*Cauayan City, Isabela*- Kumpiyansa si Municipal Mayor Francis Faustino ‘Kiko’ Dy ng Echague na kahit tumagal ang umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon ay magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa publiko.
Ayon kay Mayor Dy, siniguro nya na nabibigyan ang lahat ng residente sa kanilang bayan ng tulong mula sa Lokal na Pamahalaan habang umiiral ang nasabing quarantine.
*‘**Sa tingin ko po, I am very confident na kahit tumagal man po ito ng 2 to 3 months ay mabubuhay po natin ang mga kababayan natin sa Bayan ng Echague**’** saad niya.*
Giit pa ng opisyal na hindi kinakailangan na maging botante upang mapagkalooban lang ng tulong gaya ng pagbibigay ng tatlong (3) kilong bigas kada linggo bawat indibidwal maging ang P1,000 piso kada pamilya.
Bagama’t may kalituhan pa rin para sa ilan kung sino talaga ang mabibigyan ng ayuda sa ilaim ng Social Amelioration Program ng Gobyerno ay sinisiguro pa rin ng alkalde na mabibigyan ang higit na nangangailangan nito.
Siniguro din ni Mayor Dy na may sapat na pondo ang lokal na pamahalaan upang tuloy-tuloy na mabigyan ang mga residente sa kanilang nasasakupan.
tags; 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, Municipal Mayor Francis Faustino ‘Kiko’ Dy,Echague, Isabela, COVID-19, Luzon