MAYOR ‘KIKO’ DY NG ECHAGUE, ISABELA, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Mayor Francis Faustino ‘Kiko’ Dy na siya ay nagpositibo sa COVID-19.

Inihayag ito ng alkalde sa pamamagitan ng kanyang post sa Facebook.

Humingi naman ng paumanhin ang punong bayan sa mga taong nakasalamuha nito at kanyang hinikayat ang mga ito na sumailalim sa quarantine at magpa swab test.


Sa kasalukuyan, naka-quarantine na ang alkalde kasama ang pamilya at mga kasamahan sa kanilang bahay.

Sa kabila naman ng pag positibo nito sa naturang virus, sinabi ng alkalde na tuloy pa rin ang serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Echague at walang maaantala na programa para sa mga residente nito.

Hinihikayat naman ni Mayor Kiko Dy ang mga kababayan na sundin ang mga ipinapatupad na safety protocols at manatili lamang sa loob ng bahay kung hindi kinakailangang lumabas.

Facebook Comments