Navotas LGU, kinansela ang kanilang RT-PCR testing at pang hapong bakunahan dahil sa Bagyong Jolina

Naglabas na rin ng abiso ang Navotas Local Government Unit (LGU) na kanselado ang kanilang RT-PCR testing.

Partikukar dito ang RT-PCR testing sa Navotas Sports Complex.

Simula kaninang ala-1:00 ng hapon ay kanselado na rin ang kanilang pang hapong bakunahan.


Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga kawani at kanilang mga residente, dahil na rin sa masamang lagay ng panahon na dulot ng Bagyong Jolina.

Batay sa kanilang abiso, ang RT-PCR testing ay magbabalik operasyon bukas Setyembre 9 kapag maayos na ang lagay ng panahon.

Facebook Comments