Mayor Lino Cayetano, hinikayat ang mga residente na magpa-test kontra COVID-19

Nanawagan si Taguig City Mayor Lino Cayetano sa mga residente ng lungsod na alamin ang kanilang COVID-19 status sa pamamagitan ng pagpapa-test.

Ayon kay Cayetano, maliban sa patuloy sa pagsunod ng mga health at safety protocols, dapat din aniya na alamin ang kanilang COVID-19 status upang matiyak na hindi maipasa ang virus sa kanilang pamilya at sa loob ng komunidad.

Aniya, kailangan lang nila pumunta sa pinakamalapit na testing sites tulad ng barangay health centers o drive-thru testing at magpa-test dahil libre naman aniya ito.


Giit niya, kailangan magtulungan ang lokal na pamahalaan at mga residente upang makamit ang zero cases ng COVID-19 ang lungsod.

Facebook Comments