Train supervisors, ipinakalat sa mga istasyon ng MRT-3

20

Tiniyak ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) na ligtas ang pagsakay sa kanilang mga tren.

Mahigpit nang nasusunod ang tamang cleaning protocols sa maintenance at disinfection ng mga tren sa mga istasyon ng North hanggang Taft Avenue.


Kasunod naman ito ng pag-viral ng video ng isang maintenance staff na minamadali ang pagpunas sa handrails ng tren.

Ayon kay MRT head for operations Michael Capati, nagtalaga na sila ng mga station supervisors sa mga istasyon ng tren.

Trabaho ng mga train supervisor na tiyaking compliant sa health at safety protocols ang mga tren bago bumiyahe, bilang bahagi ng mas pinaigting na pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID-19.

Kabilang dito ang regular na pagdi-disinfect at ang pagsunod sa “7 Commandments.”



Facebook Comments