BAGUIO, PHILIPPINES – Bumisita si Mayor Benjamin Magalong sa palengke kaninang hapon para makita kung ano ang lagay at estado ng window market hour scheme. Ipinunto din ng alkalde ang ilang mga isyu patungkol sa kalinisan sa naturang palengke kung saan makikita ang ilang mga dagang gumagala sa lugar lalo na sa wet market kapag gabi na kailangan ng aksyonan kaagad, dahil ayon din sa kanya, ang kalinisan ay isa ding paraan para mapigilan ang pagkalat ng Covid-19. Pangungunahan naman nina Market Head Fernando Ragma at sa kooperasyon ng Asst. City Veterinarian Silardo Bested at ilang mga vendors ng Baguio Public Market ang Rat Control Program sa wet market kung saan ang mga vendors ay kailangan maglagay ng isang rat trap sa bawat dalawang vendors para mahuli at mapuksa ang mga peste sa lugar.iDOL, madumi nga ba at puno ng daga ang ating palengke?Tags: Luzon, Baguio, iDOL, Magalong, Baguio Public Market, Covid-19.
Mayor Magalong sa Palengke!
Facebook Comments