Mayor Marcy Teodoro ng Marikina, umaasang mas maraming mababakunahan sa lungsod

Umaasa si Marikina Mayor Marcy Teodoro na mas marami ang mabibigyan ng bakuna laban sa COVID-19 na mga residente ng lungsod.

Ito’y matapos approbahan ng Department of Health (DOH) ang vaccination facility ng lungsod na para lamang sa Pfizer.

Ayon kay Mayor Teodoro, sa pagdating Pfizer sa lungsod ay tataas ang average number ng mababakunahan sa lungsod, kung saan mula 3,000 per week, madadagdagan ito ng 1,500 per week.


Upang maiwasan ang pagdagsa sa mga magpapabakuna ng Pfizer, iginiit ng alkalde na bawal ang walk-in, kailangan magparehistro sa kanilang vaccination program at hintayin ang confirmation text message.

Aniya, mayroong 11,140 doses ng Pfizer na inallocate sa pamahalaang lungsod ng Marikina, kung saan 5,700 indibidwal ang mababakunahan para sa 1st at 2nd dose.

Priority pa rin na babakunahan anya ang mga medical frontliner, senior citizen at persons with comorbidities.

Facebook Comments