Mayor Michael Dy ng San Manuel Isabela, Nais Tumakbong Congressman sa Eleksyon!

Pangarap ni Mayor Faustino Michael Dy ng bayan ng San Manuel, Isabela na tumakbo bilang Congressman sa pangalawang distrito ng lalawigan ng Isabela sa darating na eleksyon.

Ito ang kinumpirma ng mayor sa naging panayam ng RMN Cauayan matapos lumabas ang impormasyon sa naging plano ng naturang opisyal.

Nais umano ni Mayor Michael Dy na maihalintulad sa kaniyang ama na maging lider din ng pangalawang distrito ng Isabela.


Kasabay nito nanawagan ang mayor sa lahat ng mamamayan ng District 2 na makiisa ang lahat sa mga opisyal ng barangay at sa kapulisan upang mas mabilis na maresolba ang anumang problema sa naturang distrito.

Facebook Comments