Mayor Mondala: ‘Wala na muna kaming papapasukin lalo na ang mga nasa Maynila at Abroad’

*Cauayan City, Isabela*-Kinumpirma ni Mayor Cesar Mondala na maghihigpit ang kanilang pwersa matapos makapagtala ng unang kaso ng covid-19 positive case ang Bayan ng San Agustin, Isabela.

Ito ang kanyang binigyang-diin sa naging panayam ng Philippine Information Agency (PIA Region 2).

Ayon sa kanya, ipagbabawal na ang pagpapapasok ng mga tao mula sa labas ng kanilang lugar particular ang mga magmumula sa Metro Manila at maging ang mga galing abroad.


Sa kabila nito, tiniyak nang alkalde na tutulong ang Lokal na Pamahalaan upang makatulong sa kanyang mga kababayan na stranded sa kalakhang maynila at dahil na rin sa pagbabawal na makapasok sa kanilang bayan.

Una nang napagkasunduan ng konseho na magdodoble higpit sila sa lahat ng mga papasok sa kanilang nasasakupan upang matiyak na makakaiwas sa posibleng pagkalat ng nasabing sakit.

Giit pa nito na wala dapat ipangamba ang tao sa kabila ng nangyaring sitwasyon bagkus makipagtulungan sa kanilang pakiusap para hindi na lumala pa ang sitwasyon.

Una nang kinumpirma ng alkalde na pinayagan niyang makauwi ang nasabing health worker dahil sa nais nitong makatulong sa pagpapanatili ng walang maitatalang kaso ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments