Mayor ng Bacolod mananatiling alkalde, injunction sa kanyang suspension pinaboran ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Mananatili sa kanyang pwesto ang alkalde ng Bacolod City na si Mayor Evelio Bing Leonardia, ito’y matapos na ma grant ng Court of Appeals Visayas ang Writ of Preliminary Injunction na hiniling ng kampo ng mayor kaugnay sa kaso nito.

Ayon kay Mayor Bing, dahil naka secure sila ng injunction, hindi muna mase-serve ang naunang ipinalabas na dismissal order ng Office of the Ombudsman habang wala pang desisyon ang korte sa kasong may kaugnayan sa pagbili ng furniture para sa New Government Center.

Sinabi pa ng alkalde, mapapanatag na sa ngayon ang kanilang kampo gayundin ang mga job order casuals na apektado kung matutuloy ang suspension.

Sa ngayon, inihahanda na ng mga abogado ni Mayor Bing ang susunod nilang mga legal move upang mabasura ang kanyang kaso sa Office of the Ombudsman.



Photo from: bacolodpoliticalkomix.wordpress.com

Facebook Comments