134 katao, arestado sa ikinasang "one time, bigtime" operation ng Parañaque City Police

Manila, Philippines – Arestado ang 134 sa ikinasang “one time, bigtime” operation ng ParaƱaque City Police.
 
Ayon kay City Police Chief Sr. Supt. Jemar Modequillo, tatlumpu’t isa sa mga ito ay mga menor de edad habang walumpu naman ang naaktuhang umiinom sa mga pampublikong lugar.
 
Sinabi ni Modequillo na isinagawa ang mga operasyon sa ilang piling barangay bilang bahagi na rin ng pinaigting na kampanya ng lokal na pulisya laban sa kriminalidad.
 
Limang wanted person naman ang inaresto habang dalawampu’t tatlong lalaki ang dinampot dahil sa paglabag sa anti-half naked ordinance.
 
Kinumpiska rin ng mga otoridad ang labing-isang motorsiklo dahil sa kawalan ng mga dokumento nang sitahin ng mga pulis.
 
Sa halip na kasuhan, pinag-push-up na lang ang mga nahuling nag-iinuman sa kalsada habang ang mga batang lumabag sa curfew hours ay dinala sa DSWD.


Facebook Comments