Nanawagan si Manaoag Mayor Kim Amador sa publiko ng pakikiisa kontra terorismo sa bayan Manaoag dahil Isa ito sa target umano ng terorista sa Northern Luzon.
Sa inilabas na advisory ng Office of the Mayor, nakasaad dito na wala pang senyales ng terorismo sa bayan maliban na lang sa nagkalat na post sa social media.
Nagpatupad na rin ng mahigpit na seguridad ang pamunuan ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag kung saan karagdagang 3 na pangkat ang idineploy mula sa PNP Regional, Provincial at Armed Forces of the Philippines Camp Tito Abat upang mabantayan ang mga residente at bibisita dito.
Nakasaad din sa advisory na maging mahinahon at maging mapagmatiyag sa mga tao, bagay at hindi pangkaraniwang gawain na ipagbigay alam agad sa mga awtoridad.
Sa huli sinabi dito na mananaig lamang ang terorismo kung magpapadala sa takot.
Mayor ng Manaoag Pangasinan nanawagan ng pakikiisa kontra terorismo
Facebook Comments