Mayor ng marawi kinumpirma ang patuloy na tension sa lungsod

Iligan, Philippines – Kinumpirma ni Marawi City Mayor Atty. Majul Gandamra kaninang madaling araw na patuloy pa rin ang tension na nangyayari sa kanyang lungsod matapos lumusob ang Maute Group o local ISIS kahapon ng hapon.

Ayon kay Gandamra kasalukoyan nang nagpupulong silang mga opisyal at ng kapulisan at kasundalohan para ma-evaluate at makontrol nila ang nangyayaring kagulohan ngayo sa marawi.

Kinumpirma nito na unang lumosob ang grupo sa barangay basak malulot at sunod-sunod na sinakop ng ISIS ang iba pang mga lugar sa nasabing lungsod.


Hindi naman kinumpirma ng alkalde ang umanoy panunonog na nangyari sa lugar at panghaharas at panghohostage na nangyari.

Inamin ni Gandamra na mahirap parin ang kanilang sitwasyon ngayon kung saan patuloy ang bakbakan ng mga otoridad at ng tinatawag na grupong ISIS.
DZXL558, Ghiner Cabanday

Facebook Comments