Mayor ng San Felipe, Zambales – nakaligtas sa ambush

San Felipe, Zambales – Maswerteng nakaligtas ang mayor ng San Felipe, Zambales na si Atty. Carol Fariñas makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspects ang sasakyan nito kaninang mag-aalas otso ng umaga.

Sa report ng pulisya, lulan si Fariñas ng Toyota Innova na may plakang SHW 625 na minamaneho ng driver niyang si Raul Rosete na bahagyang nagalusan sa tinamaang windshield.

Kasama rin nito ang kanyang admin staff na si John Ray Ramil Feria.


Base sa report ng pulisya, nakasakay ng motorsiklo ang dalawang salarin at matapos ang krimen ay may sinakyan itong tricycle at nagpakilalang mga miyembro ng New People’s Army.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang tangkang pamamaslang.
Si Atty. Fariñas ay nasa ikatlong termino na bilang alkalde ng naturang bayan at napapabalitang tatakbo sa mas mataas na posisyon ng naturang lalawigan.

Facebook Comments