Mayor Rene Cordero ng Estancia Iloilo, nakahandang sumailalim sa lifestyle check

Iloilo – Nakahanda si Mayor Rene Cordero ng bayan ng Estancia, Iloilo na sumailalim sa lifestyle check.

Ito ang sinabi ni Cordero matapos kabilang siya sa mga mayor na gustong ipa-lifestyle check ng pangulo sa National Bureau of Investigation.

Inihayag ng naturang alkalde na handa siyang ipakita ang kanyang mga ari-arian katulad ng farm at palaisdaan na minana pa niya sa kanyang mga magulang at nakalagay rin sa kanyang saln.


Kaugnay nito, itinuturing ni Cordero na politika ang dahilan ng pagpapasailalim sa kanya sa lifestyle check na ayon sa kanya merong tao na nagreport sa kanya sa taas upang masuspend dahil hindi siya matalo ng mga ito sa eleksyon.

Itinuro din nito si Vice-Mayor Mario Nonon Golingan na siyang nasa likod nito bagay na pinabulaanan naman ng bise-alkalde.

Napag-alaman na hindi kasama si Mayor Rene Cordero sa mga binanggit na narco-politicians ni Pangulong Duterte ngunit kabilang siya sa ipinasasailalim sa lifestyle check.

Facebook Comments