Mayor Sara Duterte, dadalo sa unang pagkakataon sa SONA ni P-Duterte

Davao – Dadalo si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio sa darating na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Rodrigo Duterte ngayong Lunes, July 24.

Ito ang kinumpirma ni mayor Duterte sa ginawang press conference kamakailan sa lungsod ng Davao.

Ayon kay mayor Duterte, maliban sa kanya ay dadalo rin ang kanyang mga kapatid at kani-kanilang mga asawa. Samantala, hindi makakadalo ang ina nilang si Elizabeth Zimmerman dahil may importante daw itong aasikasuhin.


Si Silverio Anglacer, Jr. pa rin ang magdi-disenyo sa Filipiñana gown ni mayor Duterte sa darating na SONA.

Ito ang pinaka-unang beses na dadalo si mayor Duterte sa SONA ng kanyang ama dahil noong nakaraang SONA ay maselan ang kanyang pagdadalang tao.

Facebook Comments