Mayor Sara Duterte, hindi pinaburan ang term-sharing sa speakership

Hindi pinaburan ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang panukalang term-sharing sa speakership.

Sinabi ni Mayor Sara na hindi niya maintindihan kung bakit hindi nangingialam ang mga pumapabor sa term-sharing na may layuning magluklok ng bagong house speaker nang hindi iniisip ang magiging dulot nito sa Kamara.

Una nang pinaburan ng PDP-Laban ang kasunduan sa term-sharing sa kondisyon na mauupo bilang house speaker ang pambato na si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.


Dagdag pa ni Inday na ang mga mambabatas pa rin ang may pinal na desisyon sa speakership race.

Facebook Comments