PRRD, pinangunahan ang rehabilitasyon sa Ormoc Airport

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon sa rehabilitasyon ng airport sa Ormoc City.

Sa naganap na seremonya, personal na inalis ni Pangulong Duterte ang airport marker sa nasabing lugar.

Kasama ng Pangulo sa nasabing okasyon sina:


Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade

Ormoc City Mayor Richard Gomez

Leyte Representative Lucy Torres-Gomez

Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Captain Jim Sydiongco

Kabilang sa mga proyekto sa nasabing rehabilitasyon ay ang pagkukumpuni ng gusali para sa mga terminal ng mga pasahero.

Magtatayo din ng gusali ang administrasyon ng CAAP maging ng iba pang pasilidad, maging ang pagpapalawak ng runway sa nasabing lugar.

Matatandaang sumailalim sa rehabilitasyon ang Ormoc Airport matapos maminsala ang super typhoon Yolanda noong 2013 at sa pamamagitan ng 6.5 magnitude na lindol noong 2017.

Facebook Comments