Mayor Sara Duterte, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit tatakbo bilang bise presidente

Iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na pagtatagpo sa gitna para sa hiling ng supporters ang ginawa niyang pagtakbo bilang vice president sa 2022 elections.

Ayon sa alkalde, marami kasing supporters niya ang nalungkot nang matapos ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) noong Oktubre 8, kung saan hindi siya nag-file ng kahit ano para sa national position.

Sinabi ni Duterte na ayaw na niyang madismaya muli ang mga tagasuporta pagkatapos ng Nobyembre 15 kung kaya’t nagdesisyon siyang tumakbo sa pagka-bise presidente.


Unang umingay ang usap-usapang tatakbo si Duterte sa mas mataas na posisyon matapos itong umatras sa re-election bilang alkalde ng Davao City at umalis sa partidong binuo niya na Hugpong ng Pagbabago.

Sa kasalukuyan, tatakbo si Duterte-Carpio bilang vice president sa ilalim ng Lakas-CMD habang inaasahang maghahain din bukas ng COC sa kaparehong posisyon ang kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments