Nagbabala si Davao City Mayor Sara Duterte sa publiko laban sa pagbibigay ng donasyon para pondohan ang mga fund raising activities bilang suporta sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Ayon kay Mayor Duterte, wala siyang ipinag-utos na gawin ang mga ganitong inisyatibo.
Apela ng alkade, huwag maniwala sa mga ganitong scam at huwag magbigay ng pera.
“Ito po ay scam o panloloko. Magagamit lang ang perang nilikom sa fund raising na ‘to sa mga pansariling interest ng mga taong nasa likod nito. Inuulit ko po, huwag kayong magbigay ng pera. Huwag po kayong magpaloko,” dagdag pa ni Mayor Duterte.
Payo ng alkalde sa publiko na humingi ng tulong sa mga pulis kapag sila ay nakatanggap ng mga ganitong uri ng solicitations.
Una nang sinabi nig Mayor Duterte na wala siyang balak na tumakbo sa alinmang mataas na posisyon sa gobyerno.