Mayor Vico Sotto, nilinaw na hindi required ang QR code upang makapasok sa lungsod ng Pasig

Iginiit ni Mayor Vico Sotto na hindi kailangan ng QR code upang makapasok sa lungsod ng Pasig matapos kumalat sa social media ang mga fake news tungkol dito.

Paliwanag ni Mayor Sotto, ang QR code ay kailangan lamang kung papasok sa mga business establishment, tulad ng mall, restaurant, at banko.

Kasama na rin dito ang mga tanggapan ng gobyerno tulad ng Pasig City Hall.


Nilinaw din niya na walang kaukulang multa sa walang mga QR code, pero hindi sila makakapasok sa kahit anong establisyimento ng lungsod.

Sa ngayon, nasa 452,662 na nga mga indibiduwal ang mayroong PasigPass o QR code at nasa 1,157 na mga establisyimento ng lungsod ang mayroon nito.

Hinikayat din ng alkalde ang publiko na magkaroon ng PasigPass o magdownload ng QR code upang mapabilis ang pagpasok sa mga etablisyimento, pagsagawa ng contact tracing, at pagkalap ng datos kaugnay sa COVID-19 cases.

Facebook Comments