#MayorIsko, #BoyAbundaInterviewsIsko: Moreno nag-trend sa Twitter pagkatapos ng Boy Abunda Interview

Sa isang full-segment video ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa one-on-one presidential interview kasama ang talk show host na si Boy Abunda, nangibabaw sa local Twitter trends mula nang ipalabas ito noong Huwebes ng gabi, January 27.

“While watching Mayor Isko interview ang dami kong natutunan. All of his answers are very specific, and he even provided examples and data to back them up. Dear Pinoys, everyone open our ears to listen. It’s too early pa to decide. Vote wisely.” sabi ng netizen na si @profcesstee.

Sabi din ng Twitter user na si @thevincentjim: “Against sa abortion si Mayor Isko because he doesn’t like “taking life” but when it comes to war on drugs, “things happen”. This is a nice logic”.


Pahayag ng Manila Mayor na habang siya ay sang-ayon sa ibang mga bagay, kabilang ang family planning, tutol naman siya sa pag-legal ng rape-related abortion at binanggit niya na ang pagkitil ng buhay ay labag sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

“I don’t like taking life, so ayaw ko ng abortion. But I am pro-choice in terms of other things like ‘yung kung ano ‘yung mga accessible na puwedeng ibigay ng estado para sa family planning. But when there is life already, nobody should take it away kasi ipinagkaloob ng Diyos ‘yan,” giit ni Moreno.

Nangako ang 47-anyos aksyon demokratiko standard-bearer na atasan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga online banking services na pangalagaan ang mga social media network at website na namamahagi ng pornograpiya.

“I’ll teach these social media companies. I’ll make them responsible because nagiging outlet itong kanilang mga sites,” Dagdag pa ni Moreno na sasangguni din niya ang GCash, Paymaya, at “credit cards and banking systems” upang harapin ang usaping ito.

Gayunpaman, pinaalalahanan din ng alkalde ang mga magulang tungkol sa kanilang responsibilidad na tiyaking hindi ma-access ng mga bata ang tahasang nilalaman online.

Bago matapos ang panayam, tinanong ni Boy Abunda si Moreno ng Bakit Ikaw?”

Sinagot ni Moreno na, “Hindi ako maghihiganti kanino man. Wala akong paghihigantihan. Sa dami ng problema, kailangan natin ng tunay na solusyon at mabilis na aksyon”.

Hinikayat ng Manila Mayor ang sambayanang Pilipino na iboto siya sa nalalapit na eleksyon dahil tututukan niya ang pagresolba ng mga problema sa bansa kaysa tutukan ang personal grudges.

Sinabi din niya na ang kailangan ng bansa ay tunay na solusyon at mabilis na aksyon.

Facebook Comments