REGULAR PRICE MONITORING SA PAMILIHANG LUNGSOD NG ALAMINOS, ISINAGAWA

56

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Nagsagawa ng regular na pag-iikot ang mga kawani ng City Market and Cemetery Section ng lungsod ng Alaminos para magsagawa ng price monitoring sa mga pangunahing bilihin at iba pang produktong agrikultura sa mga pamilihan ng lungsod.

Pinaalalahanan din ang mga tindera at negosyante na maging tapat sa pagtatakda ng presyo ng kanilang mga paninda at sumunod sa mga panuntunang pang-pamilihan at pang-kalusugan.

Ito ay bilang paniniguro ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Alaminos sa pangunguna na masubaybayan ang mga presyo ng mga basic commodities tulad ng bigas, gulay, karne at isda.

Ito rin umano ay upang matiyak na walang mananamantala kahit pa sa gitna ng pandemya kung saan ay limitado parin ang galawan ng bawat isa. | ifmnews

Facebook Comments