Mayorya ng krimen sa POGO, puro may kinalaman sa human-trafficking

Naalarma si Senate Ways and Means Commitee Chairman Senator Sherwin Gatchalian na mayorya ng krimeng may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ay sangkot sa kaso ng human trafficking.

Batay sa liham na ipinadala ng National Bureau of Investigation (NBI) sa senador na naglalaman ng summary ng POGO-related cases, aabot sa 113 ang POGO-related crimes mula November 2019 hanggang March 2023 at batay sa datos 65 o katumbas ng 58 percent ang human trafficking cases.

Ayon kay Gatchalian, nakakabahala at nakakaalarma ito dahil maaaring may seryosong implikasyon ang mga POGO crime sa pambansang seguridad sa bansa.


Indikasyon din aniya ito na ang mga organized criminal groups ay nakatali sa industriya na nag-o-operate sa bansa.

Maliban sa 65 kaso ng human trafficking, makikita rin sa report ng NBI na 33 kaso ang international operations na naimbestigahan, 7 kaso ang cybercrimes, 4 ang anti-organized at transnational crimes, 3 fraud cases at isang kaso ng anti-violence against women and children at ang lahat ng ito ay may kaugnayan sa POGO.

Facebook Comments