Mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang karamihan sa mga lugar sa bansa hanggang August 31, 2020.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, kabilang sa mga mananatili sa GCQ ang Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Iloilo City, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Talisay City, Munisipalidad ng Minglanilla, at Consolacion sa Cebu.
Habang ang mga hindi nabanggit na lugar ay mananatili sa ilalim ng Modified GCQ.
Nilinaw naman ni Roque na mananatili ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na naka-Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Agosto 18.
Sa Lunes, inaasahan i-aanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging kapalaran ng mga lugar na nasa ilalim ng MECQ.