Mayora ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang pabor na manatili sa General Community Quarantine.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, magpupulong sa Linggo, Setyembre 27 ang mga alkalde para pag-usapan ang rekomendasyon ng quarantine measure sa NCR para sa Oktubre.
Aniya, ang pinaka-concern nila ng mga alkalde ay ng kaligtasan ng kanilang constituents.
Nauna nang sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na pwede ng isailalim sa modified GCQ ang Metro Manila pagkatapos ng September 30 para marami pang mga industriya ang magbukas para mabuhay ang ekonomiya.
Facebook Comments