Maraming estudyante pa rin ang nais mag-enroll para sa nalalapit na school year sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, lumalabas sa kanilang initial reports na gusto pa rin ng mga estudyante na pumasok kahit ipatupad ang pinaghalong face-to-face learning at online classes.
Sa early registration, nasa 1.4 million na estudyante ang nais pumasok.
Mayroon ding ilang rehiyon sa bansa ang naabot ang 75% ng kanilang target na bilang ng mga nag-eenroll.
Aniya, magsisilbi itong inspirasyon sa mga DepEd employees para tiyaking handa ang mga paaralan at mga guro sa “new normal.”
Sinabi naman ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi dapat limitahan ng mga eskwelahan ang bilang ng mga tinatanggap nilang enrollees.
Mayroong 800,000 DepEd employees, kabilang ang mga guro at 27 million na estudyante sa basic at secondary education.