Stroke Patient, Nagbigti dahil sa Kondisyon ng Kalusugan

177

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na wala nang buhay ang isang stroke patient matapos makitang nakabitin ang katawan nito sa kanilang bahay gamit ang isang nylon rope pasado 3:00 ng madaling araw kahapon sa Brgy. Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Albert Aquino, 40-anyos at pawang residente sa naturang lugar.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Tuguegarao City Police Station, tumambad sa 11-anyos na anak ng biktima ang nakasabit na kaatwan ng kanyang ama kaya’t agad itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay para maibaba mula sa pagkakasabit ang biktima.

Batay sa pakikipag-usap sa common-law-wife ng biktima na nagngangalang Melisa Cabaging, 36-anyos ay napag-alaman na depresyon dahil sa kondisyon sa kalusugan ang isa sa posibleng dahilan ng nangyaring insidente ng umano’y pagpapakamatay nito.

Tumanggi naman ang asawa ng nasawing biktima para sa gagawin sanang autopsy dahil naniniwala ito na nagpakamatay ang kanyang mister.

Facebook Comments