Mayorya ng mga lungsod sa NCR, nanguna sa pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Nangunguna pa rin ang Quezon City sa mga lungsod sa bansa na may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ng 268 na bagong kaso kahapon.

Sinundan naman ito ng Lungsod ng Maynila na nasa 198, habang sumunod dito ang Makati at Taguig na may 113 at 111 na bagong kaso batay sa pagkakabanggit.

Samantala, naguna rin ang iba pang mga lungsod sa National Capital Region (NCR) sa mataas na kaso ng sakit: Caloocan (81), Pasig (71), Parañaque (60), Mandaluyong (57), Las Piñas (56), Muntinlupa (50), Marikina (41), Pasay (40), Valenzuela (30), Malabon (24) at San Juan (23).


Sa kabilang banda, nakapagtala rin ang ibang lungsod sa labas ng NCR ng mataas na kaso tulad ng Davao City (23), Baguio at Cebu City na kapwa nakapagtala ng 21 na bagong kaso.

Facebook Comments