DOH, nakapagtala ng 2,619 na bagong kaso ng COVID-19, pinakamataas sa nakalipas na anim na araw

33

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,619 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, pinakamataas sa loob ng anim na araw.

Dahil dito ay lumobo na sa 3,916,162 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit kung nasa 26,362 ang aktibong kaso, mas mataas sa 24,843 na naitala nitong Huwebes.

Nadagdagan naman ng 1,074 ang gumaling sa COVID-19 na siyang pinakamababa sa loob ng dalawang linggo.


Umakyat naman sa 62,479 ang kabuuang bilang ng nasawi sa virus matapos madagdagan ng 32 kahapon.

Facebook Comments