Mayorya ng mga mag-aaral, hindi nakakasabay sa distance learning – Alliance of Concerned Teachers

Karamihan ng mga mag-aaral ang hindi nakakasabay sa distance learning bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, dahil na rin ito sa kakulangan ng gadget at maayos na internet connection.

Wala pa namang tugon ang Department of Education (DepEd) sa panawagan ng grupo na internet allowance sa mga guro at mahihirap na estudyante.


Bagama’t kasi may natanggap ang ilan ay pahirapan naman ang signal.

Ngayong araw, inaasahang aarangkada na ang pagbubukas ng school year 2021-2022.

Facebook Comments