Mayorya ng mga Pilipino, gustong magbayad ng mga pinamili online via Cash on Delivery ayon sa NEDA

Mayorya ng mga Pilipino ang gustong magbayad ng mga pinamili online sa pamamagitan ng Cash on Delivery (COD) kaysa magbayad online.

Ito ang lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng National Economic and Development Authority (NEDA), kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong pumapasok na rin sa online selling para makahanap na pagkakakitaan ngayong kasagsagan ng COVID-19.

Ayon kay NEDA Usec. Rosemarie Edillon, may tema ang pag-aaral na National ICT Household Survey (NICTHS) kung saan maliit na bahagdan ng mga Pilipino ang gumagamit ng electronic wallet o online banking.


2% naman mula sa 643 Pilipinong sumagot ang nagsabing nagbebenta sila online, habang 8.8% sa mga ito ang madalas bumibili online.

Facebook Comments