Mayorya ng mga Pilipino, hirap sa wikang Ingles batay sa resulta ng PISA noong 2018

Isa ang wikang Ingles sa mga dahilan kung bakit marami sa mga Pilipino ay nakakuha ng mababang marka sa Program for International Student Assessment (PISA) noong 2018.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Diosdado San Antonio, marami sa mga Pilipino ang hindi pamilyar sa paraan ng pagtatanong na nagiging dahilan ng pagkataranta at hindi masagot ng maayos ang katanungan.

Pero bagama’t mababa ang naging resulta, sinabi ni San Antonio na hindi masasabing bumaba ang performance dahil maraming kailangang ikonsidera sa pagpapaangat ng kalidad ng edukasyon.


Sa ngayon pagtitiyak ni San Antonio, pinaplano na ng DepEd na palakasin pa ang “foundational competencies” o kakayahan ng mga Pilipino kung saan kabilang ang pagbabasa, pagsusulat, galing sa Matematika at socio-emotional skills.

Ginanap ang PISA noong 2018 kung saan nakakuha ng pinakamababang pwesto ang Pilipinas sa kabuuang 79 na bansang lumahok.

Facebook Comments