Isa sa bawat dalawang pilipino ay nahihirapang tukuyin ang maling impormasyon na lumalabas sa traditional at social media ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Lumalabas sa survey ng SWS na 51 percent ng mga respondents ang hirap tumukoy fake news kung saan 38% dito ang medyo hirap habang 13% naman ay talagang hirap tumukoy nito.
Sa kabila nito, 37% ng mga sumagot sa survey ang medyo nadadalian sa pagtukoy ng fake news habang 11% lamang ang nadadalian.
Dahil dito, naniniwala ang 70% percent ng mga pilipino na isang seryosong problema ang paglipana ng maling impormasyon sa telebisyon, radyo at mga pahayagan.
Habang 67% naman ang naniniwala na seryoso na ang problema sa paglipana ng fake news via online.
Isinagawa ang survey noong Disymebre 2021