Mga lumabag sa gun ban, mahigit 900 na

Umabot na sa 921 ang bilang ng mga lumabag sa gun ban simula noong Enero 9.

Ayon kay Philippine National Police (Pnp) Spokesperson Pcol. Jean Fajardo, kabilang sa mga violator ay naaresto sa police operations habang ang iba ay nasita sa mga checkpoint.

Pero ayon kay Fajardo, wala pa silang naitatalang election-related incidents of violence mula nang mag-umpisa ang election period.


Samantala, naisumite na ng PNP sa Commission on Elections ang inisyal na listahan ng mga lugar na maaaring maisama sa election watchlist.

Facebook Comments