Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwala na dapat iprayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagkontrol sa inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Ito ay batay sa June 2022 ulat sa bayan survey ng Pulse Asia kung saan lumabas na 57% na mga Pilipino ang nais na makontrol ang inflation, 45% naman ang gustong matalakay ang taas-sweldo ng mga manggagawa, habang 33% ang nais maresolba ang kahirapan at 29% na mga Pilipino ang gustong lumikha ng maraming trabaho.
Isinagawa ang survey simula June 24 hanggang 27 kung saan aabot sa 1,200 ang respondents.
Ang naturang survey rin ay mayroong plus at minus na 3% error margin na may 95% confidence level.
Matatandaang, nakapagtala ang bansa ng 6.1% inflation rate nitong Hunyo.