Pahayag ng aktres na si Ella Cruz na ‘History is like tsismis’, walang mali at batay sa kaniyang opinyon

269

Walang nakikitang mali ang isang writer at historian na si Prof. Xiao Chua sa naging pahayag ng aktres na si Ella Cruz na ‘History is like tsismis’.

Sa panayam ng RMN Manila kay Prof. Chua, sinabi nito na masyado lang kasing literal na tsismis ang pagkakaintindi ng mga tao.

Sa totoo lang aniya kasi na opinyon ang kasaysayan, may bias ang mga historian at higit sa lahat ay pinipili lang ang mga inilalagay sa libro.


Dagdag pa ni Chua, kahit sila bilang isang historian ay hindi nila alam ang lahat at nalalaman lang nila batay sa ebidensya o datos.

Kaya naman sinabi nito na nagmamarunong kasi ang mga nagsasabi na pwedeng ilagay lahat sa kasaysayan.

Punto ni Chua, kaya nalalagyan ng kulay ang naging pahayag ni Ella Cruz dahil may political background ito.



Ayon pa kay Chua, nakikita rin niyang dahilan ang epekto ng social media sa bawat tao.

Hiling lang ni Chua ay sana maayos na itong isyu at huwag nang humantong sa mga batuhan ng masasakit na salita.


Facebook Comments