Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang gaganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa ngayong pagpasok ng taong 2021.
Batay ito sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumabas na 42% ng mga Pilipino ang economic optimist o mga naniniwalang gaganda ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.
Nasa 28% naman ang nagsabing kapareho lamang o walang magiging pagbabago sa ekonomiya ng bansa.
Habang 18% ang economic pessimists o naniniwalang mas lalong sasama ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa susunod na labing dalawang buwan.
Nasa positive 34 ang net economic activity score ng survey na maituturing na pinakamataas kumpara sa naitala noong July 2020 na nasa -9 at September 2020 na -5.
Ang survey ay isinagawa nitong ika-21 hanggang 25 ng Nobyembre 2020 na nilahukan ng 1,500 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interview.