Mayorya ng mga Pilipino, sumusunod pa rin sa COVID-19 health protocols – SWS Survey

Maraming Pilipino pa rin ang tumatalima sa minimum public health standards sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), tinanong ang mga respondents kung gaano nila kadalas ginagawa ang public health standards.

Nasa 75% ang nagsabing palagi silang nagsusuot ng face mask habang nasa labas ng kanilang bahay, 67% ang madalas na naghuhugas ng kamay, 58% naman ang sumusunod sa physical distancing kapag nasa labas ng bahay.


53% naman ang naghayag na nagsusuot sila ng face shield kapag nasa pampublikong transportasyon at kung papasok sa mga establisyimento gaya ng mall at palengke.

Lumabas sa survey na bumaba ang compliance ng public health standards sa Visayas at Mindanao.

Ang nationwide survey ay isinagawa mula April 28 hanggang May 2 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments