Mayorya ng mga Pilipino, takot mahawaan ng COVID-19 ang kanilang pamilya – SWS Survey

Mayorya ng Pilipino ang nangangamba na mahawaan ng COVID-19 ang kanilang pamilya.

Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong September 12 hanggang 16, 91% ng Pinoy ang nagsabing labis silang nangangamba na mahawaan ang kanilang pamilya ng virus.

Mas mataas ito ng apat na porsyento mula sa naitalang 87% noong Hunyo 2021.


Lumabas din sa survey na 76% ang nangangamba, 15% ang bahagyang nangangamba at 5% ang hindi nangangamba.

Pinakamaraming nangangamba na magkasakit ng COVID-19 ay mula sa Visayas (95%), sumunod sa Mindanao (94%), Metro Manila (91%) at Balance Luzon (88%).

Kumpara din sa mga nakalipas na survey, mas marami ang natatakot na tamaan ng COVID kaysa sa iba pang uri ng virus gaya ng Ebola, Swine Flu, Bird Flu at Severe Acute Respiratory Syndrome.

Facebook Comments