Mayorya ng mga Pilipino, walang bilib sa bakuna – Pulse Asia

Marami pa ring mga Pilipino ang walang bilib sa bisa ng mga bakuna kontra COVID-19.

Batay sa survey na isinagawa ng Pulse Asia, 43 posyento ang nagsabi na nais na nilang mabakunahan, 36 posyento naman ang ayaw at 16 posyento ang hindi pa makapagdesisyon.

Sa bilang ng mga ayaw magpabakuna, 69 posyento ang nagsabing duda sila sa kaligtasan ng mga bakuna.


Nasa 12 posyento naman ang walang bilib sa bisa ng bakuna, samantalang may 11 posyento ang sinabing hindi nila kailangan ang bakuna.

Facebook Comments