Jobs mismatch!
Ito ang nakikitang dahilan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa lumabas na report ng labor market information na mayorya ng mga Pilipinong walang trabaho ay edukado o nakapagtapos ng pag-aaral.
Sa interview ng RMN Manila kay DOLE Secretary Silvestre Bello III – hindi tugma sa ina-aplayang trabaho ang kakayanan o pinag-aralan ng isang indibidwal.
Aniya, oversupply na ang mga nakakapagtapos sa kursong medikal gaya ng nurse at caregivers kaya inirerekomenda na sa kanila ang mga opotunidad sa ibang bansa.
Nakikipagtulungan na ang DOLE sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para matugunan ang isyu ang job qualification at job availability.