Manila, Philippines – Mayorya ng mga Pilipinong unemployed ay ‘educated’ o may pinag-aralan.
Base sa Jobsfit 2022 Labor Market Information (LMI) report ng Department of Labor and Employment (DOLE), halos nasa isang milyon o 43.9% ng unemployed population sa buong bansa nitong 2017 ay nakapagtapos ng high school.
Lumalabas din sa report na nasa 825,000 unemployed ay college undergraduates o nakapagkumpleto ng college degree.
Halos kalahati ng mga unemployed ay mga may edad 15 hanggang 24.
Ayon sa DOLE, ang educated unemployment ay resulta ng pagtaas ng outward flow ng labor mula sa bansa.
Binanggit din ng ahensya na ang mga naghahanap ng trabaho na college undergraduates o graduates ay hindi gaano natatanggap sa trabaho kumpara sa mga may mababang natapos sa pag-aaral.
Ibig sabihin, ang mga indibidwal na may mataas na educational attainment ay may mataas din ang hinihinging sahod at hindi kayang hintayin ang mas magandang job offers.