Mayorya ng mga Pinoy, gustong makatanggap ng pera sa halip na bulaklak ngayong Valentine’s Day

Hindi bulaklak…kundi pera ang gustong matanggap na regalo ng karamihan sa mga Pinoy ngayong Valentine’s Day.

Batay sa survey result ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong December 8 hanggang 11, 2023, nanguna ang pera na may 16% na sinundan ng love and companionship na may 11%.

Pangatlo naman ang bulaklak na may 10% at apparel o damit na may 9%.


Ilan pa sa nabanggit ng mga lumahok sa survey ay cellphone, relo, alahas, masayang pamilya, at anumang regalo na bukal sa puso.

Lumabas din sa kaparehong survey na 58% ng mga Pinoy ang masaya sa kanilang love life habang 23% ang nagsabing gusto pa nilang sumaya at 19% naman ang walang love life.

Kabuuang 1,200 na adult Filipino mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao ang lumahok sa nasabing pag-aaral na isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interview.

Facebook Comments