OWWA, nilagdaan ang isang MOA para sa pagbibigay ng legal assistance sa OFWs sa Israel

Nilagdaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Attorney Hashem Massawi ang isang Memorandum of Agreement para sa pagbibigay ng legal assistance ng OWWA sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa Israel.

Ayon kay OWWA Administrator, malaki ang maitututulong nito para sa mga kababayan nating nasa Israel.

Aniya, sa pamamagitan nito lalo pang mapalalakas ang proteksyon at suporta para sa mga manggagawang Pilipino sa Israel.


Kasunod nito, patuloy naman ang pakikipagtulungan ng Israel sa Pilipinas upang matutukan ang pangangailangan pa ng mga Pinoy.

Facebook Comments