Mayorya ng mga Pinoy, naniniwalang titindi pa ang pandemya

42

Mas tumindi pa ang takot ng mga Pilipino sa kasalukuyang pandemya dulot ng COVID-19.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong September 12 hanggang 16, lumabas na 60% ng mga Pinoy ang naniniwalang titindi pa ang COVID-19 pandemic.


Ang nasabing resulta ay mas mataas sa 57% na naitala noong July 2020.

Sa kaparehong survey, una nang iniulat na 91% ng mga Pilipino ang natatakot na mahawaan ng virus ang kanilang pamilya.

Facebook Comments