Positibo at puno ng pag-asa ang mayorya ng mga Pilipino sa pagpasok ng 2019.
Batay sa resulta ng latest Social Weather Stations (SWS), lumalabas na 92 percent ng mga Pilipino ang nagsabing sasalubungin nila ang Bagong Taon ng may pag-asa sa halip na takot habang walong porsyento lang ang nagsabing papasukin nila ang New Year ng may takot.
Ang December 2018 survey ay isinagawa noong December 16 hanggang 19, 2018 gamit ang face-to-face interviews sa 1,440 adults respondents nationwide.
Mayroon itong 360 respondents sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Ikinagalak ng Malacañang ang resulta ng SWS survey.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – nagpapasalamat sila sa taumbayan sa ipinakitang optimism sa ilalim ng Duterte administration.
Patunay aniya ito na halos walang epekto ang patutsada at paninira ng mga kritiko.
Umaasa ang palasyo na patuloy na susuportahan ng mga Pilipino ang administrasyong Duterte.