Tumaas ang net satisfaction rating ng administrasyong Duterte.
Sa fourth quarter 2018 survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 76 porsyento ng mga Filipino ang “satisfied” sa performance ng Duterte administration.
Nasa siyam na porsyento naman ang nagsabing “dissatisfied” habang 15 porsyento ang undecided.
Dahil dito, nakakuha ng net satisfaction rating ang Dutetre administration ng plus 66 o “very good” mula sa dating plus 50 rating noong September 2018.
Batay pa sa survey, dalawa sa 17 performance subjects ng Duterte administration ang nakuha ng excellent rate, anim na subject naman ang very good, pitong subject ang naging good at dalawang subject ang na-rate ng moderate.
Isinagawa ang survey sa 1,440 Filipino adults mula December 16 hanggang 19 taong 2018.