Mayorya ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, nasa edad 20-59 ayon sa DOH

Aabot sa 113,914 Pilipino na may edad 20 hanggang 59 ang kinokonsiderang productive age ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa productive age ang mga lumalabas ng bahay at nagtatrabaho na posibleng nagdadala ng virus sa kanilang pamilya.

Malaking bilang din ng mga COVID-19 patient na pasok sa productive age ay mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at Locally Stranded Individuals (LSIs).


Sa breakdown ng DOH sa edad ng mga COVID-19 cases:

37,188 ang may edad 20 hanggang 29
34,700 ang may edad na 30 hanggang 39
23,939 ang may edad 40 hanggang 49 at
18,087 ang may ead na 50 hanggang 59.

Umabot naman sa 6,249 na na-infect ng virus ay nasa edad 10 hanggang 19.

Mayroon ding 10,687 COVID-19 cases sa mga senior citizens na may edad 60 hanggang 69, habang tinatayang 4,000 ang may edad 70 hanggang 79 at nasa 1,000 ang may edad 80 pataas.

Facebook Comments