Mayorya ng nagpositibo sa COVID-19, edad 18-39 – FDA

Pinakamaraming kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 ay nasa edad 18 hanggang 39.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, naitala ang 90 percent ng kaso sa nasabing edad kung saan ang mga ito ay lumalabas ng bahay at nagtatrabaho.

Karamihan naman aniya sa mga namamatay dahil sa impeksyon ay mga senior citizens o edad 60 pataas.


Iginiit din ni Domingo na walang nakitang pagtaas sa bilang ng kaso at patunay lamang na epektibo ang COVID-19 vaccine.

Facebook Comments